29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Pagbabayad ng water bills sa Maynilad pinalawig pa

- Advertisement -

Pinalawig pa ng Maynilad ang deadline sa pagbabayad ng bills hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre.

Ayon ito kay Maynilad Spokesperson Zmel Grabillo, nagbigay pa ng payment extension ang maynilad para sa kanilang mga konsyumer dahil batid nila ang tindi ng epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanapbuhay ng mga mamamayan.

Bukod dito, nilinaw rin ni grabillo na ipatutupad din ng Maynilad ang staggered payment schemes o ang utay-utay na pagbabayad sa mga bill ng mga konsyumer.

Gayunman, iginiit naman ni Grabillo na para naman sa mga customers na mayroong hindi pa nababayarang bill na iprayoridad muna ang kanilang ‘current’ bill, at bayaran na lamang ang natitira pa nilang bayarin sa pamamagitan ng installment plan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -