Radio Philippines Network
Image default
Sports & Entertainment

Practice games ng NBA umarangkada na

Sumalang na sa kauna-unahang pagkakataon sa panig ng Denver si rookie Bol Bol kung saan pinadapa nila ang Washington Wizards sa score na 89-82 sa Walt Disney World Complex sa Orlando, Florida.

Matatandaang nakuha ng Nuggets ang 20-anyos at 7-foot-2 na manlalaro sa second round ng Rookie Draft noong nakaraang taon pero hindi ito nakasabak sa regular season dahil sa foot injury.

Si Bol na anak ni NBA legend Manute Bol ay kumamada ng 16 points, 10 rebounds, at six blocks para sa Nuggets.

Sa unang practice game, wagi ang Los Angeles Clippers laban sa Orlando Magic sa score na 99-90 habang nasungkit naman ng New Orleans Pelicans ang 99-68 win laban sa Brooklyn Nets sa hiwalay na laro.

Related posts

Judy Ann Santos tumulong sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal

Powered by DWIZ

Thunder nasungkit ang unang panalo kontra Trail Blazers sa round 1 ng NBA playoffs

Powered by DWIZ

Julia Montes balik showbiz na

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More