PAGASA: Ilang bahagi ng bansa makakranas ng may kalat-kalat na pag ulan, thunderstorm

0
21

Apektado ng Northeast Monsoon at Easterlies ang buong bansa.

Dahil dito makakaranas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag ulan at thunderstorm ang mga lugar ng Caraga, Davao Oriental At Davao De Oro.

Ayon sa PAGASA, iiral naman ang Northeast Monsoon o amihan sa Ilocos Region, Cordillera administrative region at Cagayan Valley kung kayat asahan ang bahagyang maulap  hanggang sa maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag ulan.

Asahan naman anila ang kalat-kalat na pag ulan sa Metro Manila dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, wala naman inaasahang sama ng panahon ang pagasa na maaaring pumasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.