Marikina handa tumanggap ng mga magpapa-test kit, kahit hindi taga lungsod

0
19

Handa ang lokal na pamahalaan ng Marikina na tumanggap ng mga magpapa-test kit, kahit hindi taga lungsod.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, oras na handa na ang kanilang molecular laboratory para sa coronavirus disease (COVID-19) testing, maaari nang pumunta sakanilang lungsod ang mga taga-ibang lugar na nais magpa test.

Pinaglalaanan anila ng nasa sampung milyong piso na kayang mag test ng nasa 3,000 hanggang 4,000 tao.

Bukod dito, plano rin ng alkalde na magkaroon ang lungsod ng sariling quarantine area para tuluyan nang matapos ang pagkalat ng COVID-19.