Nagsagawa ng benchmarking visit kahapon, Disyembre 11, 2024, ang Munisipalidad ng Dumingag, Zamboanga del Sur sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ni Mayor Jerry Paglinawan.
Tinalakay sa nasabing benchmarking activity ang mga best practices ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pagsusulong ng Gender and Development, partikular ang mga inisyatibo nito sa pagpapalaganap ng gender equality, women empowerment, at inclusive governance.
Bukod sa mga best practices ng Gender and Development Office, ibinahagi rin ang mga programa ng Pasig City General Hospital at ng Women and Children Protection Unit upang maipakita ang holistic approach ng lungsod sa pagpapaunlad ng kalusugan, kaligtasan, at karapatan ng mamamayan.
Nagbahagi rin ng karagdagang best practices ang Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kaugnay ng mga proseso sa kahandaan at pagtugon sa mga hindi inaasahang kalamidad, na lalong nagpapatibay sa adbokasiya ng lungsod para sa ligtas at maayos na pamayanan.
Ang benchmarking activity na ito ay nagbigay daan para sa makabuluhang palitan ng kaalaman at karanasan sa pagitan ng dalawang pamahalaang lokal, na layong itaguyod ang mas inklusibo at progresibong serbisyo publiko.
(Source: Pasig City Gender And Development Office Facebook page)Â