Pag-isyu ng PH visa sa mga bibyahe mula Huban Province, China sinuspinde ng DFA

0
17

Sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-iisyu ng Philippine visa sa mga bibyahe mula sa Huban Province sa China.

Ito ay kasunod ng outbreak ng novel coronavirus (nCoV).

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Dodo Dulay, ibinaba ang utos matapos ang proposal at resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases hinggil sa mga dapat gawin.

Kasama na sa resolusyon ay ang aniyay “discouragement” sa mga Pilipino na babyahe sa China nang walang importanteng rason.

Samantala, inilagay na sa lockdown ang ilang mga syudad sa Hubei Province kabilang na ang Wuhan na siyang outbreak ng epicenter.