28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Pag-assemble ng software system na gagamitin sa 2019 midterm elections pinaghahandan na ng COMELEC

- Advertisement -

Pinaghahandaan na ng Commission on Elections o COMELEC ang software-assembly phase na gagamitin sa 2019 midterm elections.

Ito, ayon kay COMELEC Spokesman at Director James Jimenez, ay makaraang makapasa sa international review para sa automated election system o AES ang source code.

Ang source code ay plain text version ng isang software na gagamitin sa automated elections.

Mahalaga anya ito para sa kredibilidad ng AES at matiyak na hindi mapapasok ng anumang malicious component tulad ng mga virus o ma-hack ng mga nagtatangkang i-sabotahe ang halalan.

Mapapanood sa pamamagitan ng Facebook live stream ang software assembly phase ng COMELEC sa December 14 na isasagawa naman sa Alabama, USA ng accredited software testing company na Pro V and V.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -