31.9 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

CHR na-a-alarma na sa mga banta ni Pangulong Duterte sa mga obispo at pari

- Advertisement -

Ikina-alarma na ng Commission on Human Rights o CHR ang mga banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga obispo ng simbahang katolika.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, labis nang nakababahala ang mga pahayag na nag-uudyok ng karahasan laban sa mga alagad ng simbahan sa gitna ng nagpapatuloy nilang batikos sa gobyerno.

Sa katunayan anya ay direktang nakikipag-ugnayan ang mga simbahan maging ang mga pari tulad ni Bishop Pablo David ng Caloocan sa mga komunidad at pamilya na nakararanas ng paglabag sa karapatang pantao dahil sa war on drugs.

Pinayuhan naman ng CHR ang pamahalaan na ituring na hamon upang pag-igihin ang trabaho ng gobyerno sa halip na pahiyain ang mga obispo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -