PACC nilinaw na hindi sapilitan ang lifestyle check ng mga miyembro ng Gabinete

0
39

Nilinaw ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na walang pressure o hindi naman sapilitan ang pagsasailalim sa lifestyle check sa mga miyembro ng Gabinete ng Pangulo.

Ito ang inihayag ni PACC Commissioner Manuelito Luna makaraang ibida nito ang pagdami ng mga miyembro ng gabinete na nais magpa-sailalim sa lifestyle check na aniya’y isang uri ng chain reaction.

Magugunitang nagboluntaryo nang magpasailalim sa lifestyle check ang ilang kalihim tulad ni Tourism Sec. Berna Puyat, Transportation Sec. Arthur Tugade, Dar Sec. John Castriciones at Dating Agriculture Sec. Manny Piñol.

Magugunitang inihayag noong isang linggo ng PACC na may dalawang cabinet member silang binabantayan sa ngayon dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang mga maanomalyang aktibidad.