P78-M Mega lotto jackpot solong napanalunan

0
72

Tinamaan ng nag-iisang mananaya ng lotto ang mahigit 78 milyong pisong jackpot prize ng Mega lotto 6/45.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, tinamaan ang winning number combinations na 22 – 13 – 27 – 17 – 10 at 01 na binola kagabi.

Samantala, wala namang nanalo sa Grand lotto 6 / 55 na may premyong mahigit dalawampu’t siyam na libong piso (P29,000).

—-