(8AM Update)
Bahagyang bumilis ang bagyong Henry habang patuloy na kumikilos pa-kanlurang direksyon sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Huling namtaan ang bagyo sa layong 230 kilometro Kanluran ng Calayan, Cagayan kung saan tatlong beses itong nag-landfall.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kph.
Nakataas pa rin ang signal number 1 sa Babuyan Group of Islands at hilagang bahagi ng Ilocos Norte.
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo ngayong araw bagama’t magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa ang habagat.
Kabilang sa mga lugar na makakaranas pa rin ng mga pag-ulan dahil sa habagat ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at Western Visayas.
Pinag-iingat ang residente sa nabanggit na mga lugar laban sa posibleng landslides o flashfloods.
Samantala, isang low pressure area o LPA ang binabantayan ngayon ng PAGASA sa bahagi ng Infanta Quezon at posibleng maging ganap na bagyo sa susunod na 48 oras.—AR
—-