P71-M halaga ng alahas nasabat sa NAIA

0
58

Naitala ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang pinakamalaking koleksyon mula sa duties and taxes mula sa hindi deklaradong mga alahas na nakuha mula sa anim na turistang Tsino.

Ito’y makaraang maharang ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport (MAIA) Terminal 3 ang bultu- bultong alahas na nakasilid sa mga bagahe noong Abril 28 na nagkakahalaga ng P71-M.

Ayon kay NAIA Terminal 3 duty customs supervisor Ronald Arzadon, kinailangan pa nilang kumuha ng gemologist para matukoy ang eksaktong halaga ng mga mamahaling alahas at diyamante katuwang ang mga awtoridad sa Hong Kong kung saan iyon nagmula.

Matapos matukoy ang halaga ng mga alahas, sinabi ni Arzadon na kanilang pinagbayad ang anim na Tsino ng mahigit P60-M buwis na binayaran ng isa sa mga ito na nakilalang si Kwun Yi Tsoi kasama ang kaniyang abogado.

Matapos nito, agad inilabas at ibinalik ng Customs kay Tsoi ang kaniyang mga bag na naglalaman ng mga mamahaling alahas.

with report from Raoul Esperas (Patrol 45)