Saturday, May 18, 2024

6 sugatan sa pagsabog sa Maynila

- Advertisement -

Anim (6) ang kumpirmadong nasugatan sa nangyaring pagsabog sa Yogurt and Tea House sa Kalye Dalupan, Sampaloc, Lungsod ng Maynila.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) Director BGen. Vicente Danao Jr. ang mga nasugatan na sina Marco Joseph Magabale, tatlong taong gulang, Live Espino, 38 anyos, Raeniel Garcia, 37 anyos at Jeffrey Hernandez na janitor ng Mary Chiles Hospital.

Habang mayroon pa aniyang dalawang iba pang sugatan na hanggang sa ngayo’y hindi pa rin batid ang pagkakakilanlan bagama’t lahat ng mga ito ay kasalukuyan nang ginagamit sa nabanggit na ospital.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng explosives and ordinance division ang lugar kung saan nangyari ang pagsabog kung saan, isa sa mga tinitingnang posibleng sanhi ay ang anggulo ng gas leak.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -