28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

P50K Retirement Incentive Para Sa Mga Magreretirong Opisyal Ng Barangay, Pinag-Aaralan Na

- Advertisement -

Pinag- aaralan na ng konseho ang pagkasa ng ordinansa upang bigyan ng service recognition incentives ang mga opisyales ng barangay at barangay workers sa lungsod ng Sorsogon.

Ayon kay Association of Barangay Affairs President Ma. Theresa Perdigon, may akda ng panukala, sa oras ng implementasyon ng ordinansa, aabot sa P50K ang retirement incentive na ipagkakaloob sa mga Barangay Chairman na nakapaglingkod sa komunidad sa loob ng tatlong sunod-sunod na termino habang P25K retirement incentive naman ang naghihintay sa mga Barangay Kagawad.

Kabilang rin sa mga magbebenepisyo sa ordinansa ay ang hanay ng mga appointed barangay workers tulad ng Barangay Tanod, Barangay Health Workers at volunteers na naglaan ng serbisyo sa komunidad sa loob ng 5 taon, kung saan nasa P15K ang insentibo na matatanggap ng mga ito.

Naniniwala naman si Perdigon na malaking tulong ang pagkasa ng nasabing ordinansa upang maiangat ang moral ng mga opisyales ng Barangay at maipakita ang pagkilala sa serbisyong ibinigay nila sa kanilang barangay.

Samantala, sa ngayon ay isasailalim pa sa committee hearing at ilang proseso ang inihaing ordinansa ng opisyal.

Source: Bicol News

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -