30.7 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

P313 na umento sa minimum wage sa NCR ihihirit ngayong Pebrero

- Advertisement -

Muling hihirit ng panibagong umento sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila ang Associated Labor Union – Trade Union Congress of the Philppines (ALU-TUCP).

Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, ngayong Pebrero maghahain sila ng petisyon para sa 313 pesos na dagdag sa sahod.

Sinabi ni Tanjusay, batay sa kanilang computation dapat nasa 850 pesos na ngayon ang minimum wage ng mga manggagawa sa buong bansa.

Kasunod na rin aniya ito sa inaasahang muling pagtataas ng presyo ng mga bilihin kasunod ng pagpapatupad ng mas mataas na buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Sa kasalukuyan nasa 537 pesos ang minimum wage sa NCR matapos madagdagan ng 25 pesos noong Nobyembre.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -