P20-M smuggled na sigarilyo winasak ng Customs

0
32

Winasak na ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P20-M halaga ng mga smuggled na sigarilyo.

Sa pahayag ng BOC, nasa kabuuang 18,000 reams ng ipinuslit na sigarilyo ang winasak sa Digama Warehouse.

Ang mga nasabing smuggled na sigarilyo ay nakumpiska mula sa Ozamiz Subport at sa Mindanao Container Terminal.