16 katao ang kumpirmadong patay sa wildfire sa California, USA.
Batay sa report, ito na ang maituturing na pinakamalaking wildfire sa Western USA matapos na umabot ang sunog sa bahagi ng Oregon at Washington.
Sa ngayon, nasa 20,000 mga bumbero na ang ipinadala para sugpuin ang napakalaking wildfire na inaasahan namang maapula sa mga darating na araw sa paglamig ng klima sa Estados Unidos.
Nasa 500,000 katao na naman ang inilikas dahil sa nagpapatuloy na wild fire sa Amerika.
Matatandaang nagulat ang mga residente sa San Francisco, USA matapos itong balutin ng kulay kahel o orange na kalangitan ng buong magdamag dahil pa rin sa tindi ng nasabing wildfire.
