P145-B ang mawawala sa koleksyon ng buwis ng gobyerno dahil sa COVID-19

0
26

Mawawala sa koleksyon ng buwis sa gobyerno ang aabot sa P145-B.

Ito ay matapos na pagdesisyonan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ibigay ang isang buwang palugit sa paghahain ng annual income tax return.

Dahil sa laki ng mawawala sa kolesyon ng buwis, maaaring dagdagan ng gobyerno ang pangungutang para lang punan ang kakulangan sa koleksyon.

Hinihimok naman ng ahensya sa publiko na nakapag proseso na ng pagbabayad na ituloy na lamang ito sa pamamagitan ng online filing.