P1-M pabuya inalok ng lokal na pamahalaan kaugnay sa nangyaring pagsabog sa Sultan Kudarat

0
52

Nag-alok na ang Sultan Kudarat provincial government ng isang milyong piso sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa ika-aaresto ng mga posibleng nasa likod ng pambobomba sa bayan ng Isulan, noong Martes.

Ito, ayon kay Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu, ay upang mapabilis ang pagbibigay katarungan sa mga biktima at imbestigasyon sa insidente.

Dalawa (2) ang nasawi habang 35 ang nasugatan sa naturang insidente na naganap sa gitna ng 7th Humangya Festival.

Una ng inihayag ng 6th infantry division ng Philippine Army na may indikasyon na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng pagpapasabog.