32.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

P1-M halaga ng high-grade marijuana nasabat sa buy-bust operation sa Pasig City

- Advertisement -

Tinatayang isang milyong pisong halaga ng high-grade na marijuana o kush ang nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Liksi St. Brgy. Caniogan, Pasig City.

Ayon kay Supt. Igmedio Bernaldez, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 5, kabilang sa dalawang naaresto ang isang Carlitos Johanne Arpilleda.

Nakabili ng halagang P3,000 ng kush ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer.

Nang magkaabutan na ng droga at pera, doon na dinakip ang mga suspek.

Unang nahuli ng MPD Station 5 ang isang alyas King kung saan itinuro ang target na si Arpelida.

Ayon kay Arpelida, sa Hong Kong pa nanggagaling ang kush na binebenta niya at nagagawa sa pamamagitan ng online transaction.

Pinapadala umano rito ang droga sa bansa ng supplier sa pamamagitan ng FedEx.

Pahayag naman ni Bernaldez, karamihan sa mga parukyano ni Arpelida ay mga mayayamang estudyante dahil mahal ang bentahan ng kush o high grade marijuana.

Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa mga suspek.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -