Mga suspek sa pananambang sa mga PDEA agents tukoy na

0
44

Tukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pananambang sa mga agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PNP-ARMM Director Senior Supt. Graciano Mijares, siyam ang lahat ng suspek at pawang mga kaanak ng isang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Pagganti umano sa pagkakapatay ng isang “high-value target” nuon sa Marawi ang nakikita nilang motibo sa pananambang sa naturang mga tauhan ng PDEA.

Ayon naman kay PDEA-ARMM Operations Chief Cielito Llano, napagkamalan ang mga PDEA agent bilang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) o local anti-drug enforcement unit ng provincial office.

Limang ahente ng PDEA ang nasawi matapos pagbabarilin habang sakay ng van patungong Marawi City.