27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Otoridad nakaalerto sa pagpasok ng mga Chinese sa Kalibo International Airport

- Advertisement -

Patuloy ang pagiging alerto ng mga health authorities sa Kalibo International Airport.

Ito’y kahit pa nakaalis na ang huling batch ng mga turistang Chinese na mula sa Wuhan, China na pinagmulan ng 2019 novel coronavirus (nCoV).

Labas pasok pa rin kasi ang mga turista mula sa iba’t ibang bansa. Nabatid rin na mayroong siyam na iba pang probinsya sa Mainland China ang may direct flight patungong Kalibo.

Kasabay nito dumaing naman ang ilang turista na tila aniya nakakaramdam na sila ng diskriminasyon dahil sa pangamba umano ng iba na mayroon silang novel coronavirus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -