29.5 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

‘Oplan Itogon’ ng DENR sinimulan na

- Advertisement -

Sinimulan ang pag-iikot ng National Task Force on Mining Challenge ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Itogon, Benguet kaugnay sa implementasyong Oplan Itogon.

Kasunod ito ng kautusan ni DENR Secretary Roy Cimatu na nagpapahinto sa lahat ng small-scale mining operations sa rehiyon ng Cordillera lalo na sa Itogon simula rin kahapon.

Batay sa mine site closure procedure ng Oplan Itogon, ipapasara ang mga non-compliant mines maliban pa sa mahuhuli at makaksuhan ang mga minero at operators na hindi susunod sa stoppage order.

Uunahin ng task force ang target selection ang pagkilala sa mga mine site na ipapasara at susundan ito ng operasyon ng task force laban sa mga non-compliance mine sites kung saan itinalagang tutulong ang Philippine Army, Philippine National Police (PNP), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI).

Pasasabugin din ng task force ang isang adit o lagusan ng minahan kung mapapatunayang malapit na itong gumuho subalit kung nasa magandang kondisyon ay isasara ang bukana gamit ang timbering o kahoy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -