Saturday, May 4, 2024

MWSS office sinugod ng Anakpawis bilang protesta sa taas singil sa tubig

- Advertisement -

Sinugod ng grupong Anakpawis ang tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Balara, Quezon City bilang protesta sa dagdag singil sa tubig.

Isinisigaw ni Raphael Pallanan, chairperson ng Anakpawis Party-list ang kawalan ng hustisya sa pagpayag ng MWSS sa Maynilad na mag rebase ng kanilang service fee na 5.73 kada cubic meter samantalang ang Manila Water ay magdadagdag ng 6.22 hanggang 6.55 per cubic meter.

Ang nasabing increase ay ipapasa sa consumers simula Oktubre 2018 hanggang Enero 2022 subalit hindi nila ito ipatutupad sa 2019.

Para sa Oktubre, ang Maynilad ay magpapatupad ng 90 sentimong dagdag singil at nasa P1.46 naman ang sa manila water.

Dahil dito hinimok ng grupo ang publiko na makiisa sa pag kundena sa naturang water rate hike na panibagong pahirap na naman anila sa mamamayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img