30.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

‘Operation baklas’ sa posters ng mga kandidato aarangkada ngayon

- Advertisement -

Magkakasa ng malawakang operasyon-baklas ang Commission on Elections (Comelec) ngayong araw.

Sisimulan ang naturang aktibidad sa ilang lugar sa Metro Manila ngayong alas-10:30 ng umaga.

Pinagsama-samang puwersa ng Poll Body, Philippine National Police (PNP), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang magsasagawa ng malawakang pagbabaklas sa mga illegal campaign material ng mga kandidato para sa nalalapit na halalan.

Puntirya ng naturang operasyon ang mga banner at tarpaulins ng mga kandidato na nasa pampublikong lugar partikular na sa palengke, plaza, barangay centers, government buildings at simbahan.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -