29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Operasyon ng Mislatel posibleng pormal na magsimula sa Marso

- Advertisement -

Posibleng sa Marso o Abril pa magsimula ang pormal na operasyon ng Mislatel consortium, ang napiling ikatlong telco sa bansa.

Ayon kay Deputy Commissioner Edgardo Cabarios ng National Telecommunications Commission (NTC), marami pang dapat na isumite ang Mislatel sa susunod na syamnapung (90) araw.

Kabilang dito ang katunayan na mayroon itong sampung (10) bilyong pisong paid equity, certification mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) na 40 percent lamang ang maximum na hawak ng dayuhang kumpanya sa consortium, business plan at detalyadong roll out plan o kung paano ipatutupad ang mga ipinangako nilang serbisyo.

“Ang detailed roll out plan makikita kung paano nila isasagawa ‘yung kanilang sinabi na iko-cover nila 1st year, 2nd year hanggang 5th year at paano nila maibibigay ‘yung internet speed, kapag na-confirm na okay ‘yan may 15 days para mai-post ang kanilang performance security, tapos bibigyan na sila ng certificate of public convenience and necessity at makapag-uumpisa na po sila.” Ani Cabarios

Aminado si Cabarios na puwede pang maghabol sa Korte Suprema at humingi ng temporary restraining order (TRO) ang mga natalo sa bidding.

Gayunman, habang wala anyang inilalabas na TRO ang Korte Suprema, tuloy ang proseso upang mapadali ang pagbubukas ng ikatlong telco at mabigyan ng mas maganda at mabilis na internet connection ang taongbayan.

“Inaasahan po natin na ‘yung dalawang major players ay susunod ‘yan, kundi man ay mag-o-offer ‘yan ng mas mabilis pa, ‘yung kanilang 3mbps maximum ay 1,299 so ine-expect natin na kung mag-o-offer ng 27mbps ini-expect natin na hindi ‘yan tataas pa sa 1,300 kasi ‘yan ang lowest price for unlimited internet access.” Pahayag ni Cabarios


 (Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -