33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Operasyon ng bagong PNR trains aarangkanda na sa Dec. 16

- Advertisement -

Magsisimula na sa Lunes, ika-16 ng Disyembre, ang operasyon ng mga bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, oras na magsimula ito ay magiging walo hanggang 10 biyahe na ang magagawa sa isang araw.

Kaya nitong isakay ang nasa halos 8,000 pasahero kada set.

Siniguro naman ni Tugade na sinusunod nila ang mga international railway standards para mas mapabuti ang lagay ng naturang tren.

Samantala, magsisimula naman ang partial operation ng Bicol Railway System sa taong 2021.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -