Oil price rollback, asahan ngayong linggo

0
53

Asahan na ngayong linggo ang katiting na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Kabilang sa unang nag-anunsyo ang Jetti Petroleum na magpapatupad ng singko (5) hanggang diyes (10) sentimos na tapyas-presyo sa kada litro ng diesel habang limang (5) sentimos sa gasolina o posibleng hindi ito gumalaw.

Ito na ang ikalawang (2) beses na nagpatupad ng price rollback sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis   ngayong Abril at ika-apat (4) na beses naman simula noong Pebrero.

Samantala, inaasahang mag-a-anunsyo rin ng tapyas-presyo sa krudo ang iba pang oil companies ngayong araw.