Monday, May 6, 2024

DFA, tiniyak na walang Pilipinong nadamay sa ‘Easter Sunday bombings’ sa Sri Lanka

- Advertisement -

Walang Pilipino na nadamay sa Easter Sunday bombings sa ilang bahagi ng Sri Lanka.

Ito ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos umabot sa mahigit dalawandaang (200) katao ang nasawi at apatnaraan at limampung (450) iba pa ang nasugatan sa walong (8) magkakasunod na pambobomba sa ilang simbahan at hotel.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na sila sa mga Filipino community leader sa Sri Lanka.

Nakiramay at nagpahayag naman ng pakikiisa ang DFA maging ang Malacañang sa Sri Lankan government at sa mga biktima.

Samantala, bukod sa Pilipinas ay kinondena rin ng iba pang bansa sa pangunguna ng U.S., India at Britanya maging ni Pope Francis ang magkakasunod na pambobomba na isa anilang uri ng terorismo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img