Wednesday, May 1, 2024

Oil price hike sasalubong sa bisperas ng Pasko

- Advertisement -

Sasalubungin ng taas presyo sa produktong petrolyo ang mga motorista ngayong Pasko.

Ito ay matapos na mag-anunisyo ang iba’t-ibang kumpanya ng langis na oil price hike sa bisperas ng Pasko.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Shell at Seaoil, P1.15 ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel, habang P1.05 naman sa kada litro ng kerosene.

Magpapatupad din naman ng kaparehong taas presyo sa diesel ang Petro Gazz.

Epektibo 6 a.m. bukas, Disyembre 24, ang nasabing oil price hike.

Samantala, inaasahan namang mag-abiso na rin ang iba pang kumpanya ng langis sa kanilang mga ipatutupad na taas presyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img