Bilang ng patay sa pag-inom ng lambanog sa Quezon at Laguna pumalo na sa 11

0
14

Sumampa na sa 11 ang bilang ng mga nasawi matapos na malason dahil sa pag-inom ng lambanog.

Ito mismo ang kinumpirma ni Laguna Mayor Vener Muñoz kung saan sinabi nito na nadagdagan pa ng 3 ang bilang ng mga nasawi.

Una rito, 8 ang kumpirmadong patay sa bayan ng Rizal sa lalawigan ng Laguna habang aabot naman sa halos 200 ang bilang ng mga isinugod sa ospital mula sa lalawigan ng Quezon at Laguna kung saan sinasabing parehong brand lamang ng lambanog ang nakalason sa mga biktima.

Sa ngayon, ani Muñoz nasa 9 na ang nasa “red zone” o nasa kritikal na kundisyon, habang nasa 43 naman ang kakailanganin ng agarang atensiyong medikal at 17 iba pa naman ang idineklarang stable na.

Kaugnay nito, napaulat din na 2 ang nasa malubhang kalagayan kung saan kapwa isinailalim sa dialysis ang mga ito habang inilipat naman ang isa sa intensive care unit (ICU).