Radio Philippines Network
DZKI Iriga News Provincial News

OFW Sa Jesah Na May Sakit At Hindi Pa Binibigyan Ng Sahod Nanawagan Ng Tulong Upang Makauwi Na Sa Camarines Sur

Iriga City- Nanawagan ng tulong ang Overseas Filipino Worker na si Dominic Bengua ng Pili Camarines Sur at kasama nitong taga Visayas Region dahil hindi na binibigyan ng sahod  sa loob ng anim na buwan, nagkasakit na rin si Bengua.

Sa video na ibinahagi sa facebook ng 44-anyos na hotel attendant na si Bengua, sinabing ayaw ibigay o ibalik sa kaniya ng Embahada sa Saudi Arabia ang expired nang passport , expired na rin aniya ang kaniyang iqama o ang residence permit. Sinabi pang tinatakot na siya ng mga kawani ng  Embahada sa Saudi , kung ayaw uumanong matrabaho ay umalis na sa tinitirahan. Hindi naman sila makauwi dahil walang pera.

Ayon kay Rowena Alzaga, tagapagsalita ng naturang ahensya sa rehiyon, kailangang makipag ugnayan sa kanila ang mga kaanak ng nasabing OFW para sa makita ang status nito sa database kung sakop ito ng medical services ng OWWA.

Ayon naman kay Jean Nacario-Bengua, asawa ni Dominic, sinabing tumungo na siya sa OWWA sa Naga City upang i-follow up ang problemang noong Hulyo 2020 niya pa ipinaabot , inako naman nito may kulang pala sa contact details na kaniyang naibigay, maaari umanong dahilan kung bakit natagalan ang aksyon.

Sa huling update ng OWWA na nakabase sa Naga, nakikipag ugnayan na sa Jeddah at kakasuhan ang employer.

Source: Bicol News

Photo: D.Bengua

Related posts

Hatid Impormasyon: Suliraning Oral

RPN

Ipil, Zamboanga Sibugay 1 New Additional COVID-19 Confirmed Case As Of November 6, 2020

RPN

NPA Commander Napatay Sa Engkuwentro Sa Mga Polis Sa Cebu City

RPN