OCD handa na sa posibleng pananalasa ng bagyong Gardo

0
66

Nakalatag na ang lahat ng precautionary measure ng Office of the Civil Defense o OCD bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Gardo.

Ito, ayon kay OCD Spokesman Edgar Posadas, ay kahit pa hindi mag-la-landfall ang naturang bagyo sa Pilipinas.

Nagsasagawa anya sila ng pre-disaster risk assessment sa lahat ng concerned agencies.

Madaling araw kanina nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang nabanggit na sama ng panahon.

—-