Leptospirosis express lanes sa mga ospital hindi na kailangan—DOH

0
65

Hindi na kailangan maglagay ng mga express lane sa ospital para sa mga pasyenteng may leptospirosis.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo matapos umakyat sa dalawampu’t walo (28) ang mga barangay sa Metro Manila na nakararanas ng leptospirosis outbreak.

Ayon kay Domingo, hindi naman kasing-dami ng dengue cases ang mga leptospirosis patient kahit tag-ulan.

Inatasan lamang aniya nila ang mga pagumatan na i-prayoridad ang pagbibigay lunas sa mga hinihinalang kaso ng leptospirosis lalo ang mga nagpapakita ng sintomas tulad ng hirap sa pag-ihi at paninilaw ng balat at mata.

—-