NYC hinimok na makipag ugnayan sa mga otoridad para matukoy ang mga kabataang sumasapi sa NPA

0
50

Hinikayat ng NYC o National Youth Commission ang mga kabataan na makipag tulungan sa mga otoridad upang matukoy ang mga kabataang sumasapi sa NPA o New People’s Army.

Ayon kay NYC Chairperson Ronald Cardema, binabantayan na ng NYC ang mga paaralan kung saan may mga ulat ng mga estudyanteng sumasapi sa rebeldeng grupo.

Dahil dito, inatasan ni Cardema ang 400,000 sangguniang kabataan na nakakalat sa mga barangay sa bansa na tukuyin ang mga indibidwal na nakikipag-ugnayan sa NPA.

Matatandaang, kamakailan lamang ay may napaulat may 20 estudiyante mula sa University of the Philippines ang nakikipag ugnayan sa NPA.

“Iba don talagang extreme na, lumalaban sa ating gobyerno at lumalaban sa ating mga sundalo at pulis kaya ngayon for the first time, inuutusan po ng NYC ang 400,000 na sangguniang kabataan na nakakalat sa buong barangay ng bansa, na alamin ninyo kung sino ba diyan sa mga grupong niyan ang talagang tumutulong na sa NPA dahil yang mga kabataan na yan ay dapat malaman ng gobyerno, malaman ninyo as SK leaders, kayo ay government leaders ng kabataan sa inyong lugar at kayo pa mismo ang magpakalat ng nationalismo. “