Monday, May 6, 2024

Joint security preparation meeting para sa May 2019 elections isinagawa na

- Advertisement -

Nakipagpulong na ang COMELEC o Commission on Elections sa NCRPO o National Capital Region Police Office para sa ipatutupad na seguridad sa 2019 midterm elections.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, patuloy na nakikipag-ugnayan ang NCRPO at COMELEC sa intelligence community at iba pang ahensiya upang tiyakin na magiging maayos at ligtas ang darating na halalan sa Mayo.

Sa ngayon, ani Eleazar, wala pa silang natatanggap na impormasyon ukol sa banta sa seguridad sa Metro Manila.

Samantala, wala pa namang lugar sa NCR ang maituturing na election hotspot ngunit tiniyak ni Eleazar na patuloy nila itong binabantayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img