Number coding scheme suspendido pa rin —MMDA

0
12

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido pa rin ang number coding scheme.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim,  epektibo ang suspensyon ng number coding ‘until further notice’.

Kasabay nito, nagpaalala naman si Lim na patuloy na sumunod sa minimum health standards kapag lalabas ng bahay.