NTC main office isasara muna dahil sa COVID-19

0
13

Pansamantala munang isasarado ang pangunahing tanggapan ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Quezon City sa darating na ika-23 hanggang ika-26 ng Hulyo.

Ito ay makaraang magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa kanilang mga empleyado.

Bibigyang daan ng naturang hakbang ang disinfection sa naturang tanggapan.

Samantala, isinailalim na umano sa quarantine ang pasyente, pati na ang mga nakasalamuha nito.