No.7 most wanted arestado sa QC

0
53

Naaresto ng pulisya ang no.7 most wanted sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Sr. Inspector Dennis Francisco, hepe ng drug enforcement unit ng Novaliches Police Station, nakatanggap aniya ng tip ang pulisya tungkol sa kinaroroonan ni Reynaldo Deloso alyas ‘Naldo’ na kilalang tulak ng iligal na droga.

Dagdag pa ni Franciso, matagal ng sangkot ang suspect sa kalakaran ng iligal na droga at iba pang uri ng krimen.

Samantala, narekober naman sa suspect ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 170,000 piso.