30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

No.6 High Value Target Individual Naaresto Ng Mga Pulis

- Advertisement -

Davao Del Sur – Arestado ang isang labing walong taong gulang na lalaki sa ikinasa’ng drug buy bust operation sa Barangay Bagumbayan, Malalag, Davao Del Sur sa pamamagitan ng Malalag Police Station sa pangunguna ni Police Captain Jocyviel S. Zamora kasama ang mga personahe ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Davao Del Sur Provincial Drug Enforcement Agency.

Kinilala ng kapolisan ang suspek na si Raphael Andrei Lanzar Rubio, alyas Phael, binata , estudyante at residente ng Purok 2, Barangay Bagumbayan. Si Rubio ay nasa Regional Drugs Watchlist bilang No. 6 High Value Target Individual.

Nakumpiska mula sa kaniyang posesyon ang lima’ng nakabalot ng newspaper na dried marijuana leaves at isa’ng balot din ng dahon ng marijuana na inilagay sa isang transparent plastic, ₱ 500.00 bill at iba pang mga non-drug items.

Tinataya’ng tumitimbang ng aabot sa 20.83 grams at nagkakahalaga ng P4,166.00 pesos ang nakumpiska’ng mga dahon ng marijuana mula sa suspek. Nasa kusodiya na ng Malalag Police Station ang suspek samantala’ng inihanda na ang tama’ng mga dokumento para sa pag-sasampa ng kaso laban sa kanya.

(Source:  Malalag Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -