Sunday, May 5, 2024

NDRRMC nakatutok sa pagsasaayos ng diagnostic lab, health center na nasira ng Bagyong ‘Ambo’

- Advertisement -

Nakatutok ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pagsasaayos ng diagnostic lab, mga ospital at health centers na nasira ng Bagyong Ambo.

Ayon kay NDRMMC Spokesman Mark Timbal, tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga local government units (LGUs) upang unahin ang mga ospital at health centers na kailangang kailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nasa 95 mga gusali ang napinsala sa Bicol at Eastern Visayas kung saan, karamihan sa mga ito ay mga health facility kabilang na ang Bicol Regional Diagnostic Lab na siyang nangangasiwa sana sa COVID-19 testing sa rehiyon.

‘Yun atin pong mga medicines naman, atsaka ‘yung the usual supplies, continues naman po ang delivery, lao na ‘yung nandiyan sa Bicol Regional Diagnostic Laboratory kasi diyan ang specimen collection and testing for COVID-19,” ani Timbal. –sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img