30.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

NDRRMC nag-taas na ng alerto bunsod ng walang patid na pag-ulan

- Advertisement -

Nagdeklara na ng red alert status ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Kasunod na rin ito ng naranasang walang patid na pag-ulan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan sa nakalipas na magdamag hanggang sa kasalukuyan.

Dahil dito, ina-alerto na ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan para ihanda ang ayudang kinakailangan para sa mga apektado ng pagbaha.

Kasabay nito, tiniyak naman ng DSWD o Department of Social Welfare and Development na handa ang kanilang tanggapan na umayuda sakaling hindi na kayanin ng mga lokal na pamahalaan.

Sa panayam naman ng DWIZ kay DSWD Secretary Virginia Orogo, may mga nabigyan na sila ng tulong tulad ng Marikina City at ilang bayan sa Region 4-A o Calabarzon na matinding sinalanta ng mga pagbaha bunsod ng habagat.

“Pwede na po nilang gamitin kasi sila yung unang reresponde lalo na pag sa rescue atsaka pag nailagay na yung mga tao sa mga evacuation center. Ngayon po, pag sila ay kailangan ng augmentation, kung sakaling magkulang, naka-antabay naman po kami, nakahanda yung ating mga regional office para sa mga relief goods kung kailangan nila at iba pang kailangan sa paglipat sa evacuation center.”

 

(Todong Nationwide Talakayan interview)

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -