32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Isang bangkay inanod ng baha sa Marikina

- Advertisement -

Patay na nang matagpuan ang lalakeng una nang napaulat na nawawala sa kasagsagan ng matinding pagbaha sa Brgy. Nangka, Marikina City.

Ayon sa ulat ng mga otoridad, inanod ng baha ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa may bahagi ng Brgy. Concepcion, kaninang madaling araw.

Base sa kwento ng mga kaanak ng biktima, sinubukan nitong lumangoy sa baha para isalba ang kanyang motorsiklo, ngunit sa lakas ng agos ng tubig, lumubog ito at tuluyang naglaho.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ng biktima.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -