Wednesday, May 1, 2024

NDRRMC ibinababa ang pagtaya sa mga posibleng maapektuhan ng ‘Ompong’

- Advertisement -

Ibinababa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa 4.2 milyong residente ang tinatayang maapektuhan ng Bagyong Ompong sa buong bansa.

Ito ay mula sa naunang pagtaya ng ahensya na 5. 2 milyong residente.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Edgar Posadas, ito ay dahil sa pababago-bagong track ng bagyo kung saan ngayon ito ay bumaba.

Gayunman sinabi ni Posadas, na mas magiging partikular ang estimasyon sa oras na tumama sa kalupaan ang naturang bagyo.

Umaasa din ang NDRRMC na makakamit ang zero casualty dahil sa lahat ng paghahandang ginawa ng pamahalaan hanggang sa local government units (LGUs).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img