35.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Bagyong Ompong tumama na sa kalupaan ng Baggao, Cagayan

- Advertisement -

Tumama na sa kalupaan ng Baggao, Cagayan ang Bagyong Ompong kaninang 1:40 a.m.

Ramdam ng mga taga Cagayan ang bagsik ng bagyo dahil sa malakas na hangin at pagbugso ng pag-ulan na dala ng bagyo.

Ilang puno ang nabuwal, nagtuklapang mga bubong habang nagtumbahan na rin ang ilang outpost.

Ayon sa ulat, nasa mahigit 10,000 residente sa buong Cagayan ang lumikas bago pa man tumama ang Bagyong Ompong.

Magdamag ding nabalot sa dilim ang Cagayan matapos putulin ang suplay ng kuryente dakong 10:00 p.m.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -