NCRPO naka-full alert status na para sa midterm elections

0
51

Naka-full alert status na ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang tiyakin ang seguridad sa midterm elections, sa Lunes.

Ito, ayon kay NCRPO Chief Major Gen. Guillermo Eleazar, kung saan aabot sa 16,000 pulis ang ipakakalat sa mga polling precincts at canvassing centers sa buong rehiyon.

Aniya, inatasan na rin niya ang limang police district directors sa Metro Manila na bantayan ang political developments sa kanilang mga nasasakupang lugar, lalo na ang mga election related violence.

Samantala, tiniyak rin naman ni Eleazar na mas marami ring checkpoints ang kanilang ilalatag at palalawigin rin naman ang police visibility.

—–