Maayos na halalan hinimok na ipanalangin

Maayos na halalan hinimok na ipanalangin

by Powered by DWIZ
76 views

Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na ipanalangin ang maayos at mapayapang halalan, sa Lunes.

Sa inilabas na pastoral letter ni tagle, hinikayat nito ang mga pari na mag-organisa ng holy hour at pagdarasal ng rosaryo para sa nalalapit na midterm elections.

Kaugnay nito, pinaalalahanan rin naman ni Tagle ang mga botante na huwag ipagbili ang kanilang boto sa kahit anumang halaga at iboto lamang ang mga kandidatong mag-tataguyod sa katarungan at magpapahalaga sa katotohanan.

—–
0 comment

Related Posts