NCRPO itinanghal na Best Police Regional Office

0
40

Itinanghal bilang Best Police Regional Office ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa taong ito.

Iginawad ang naturang parangal sa ika-118 anibersaryo ng Police Service ng PNP na ginanap sa Camp Crame, kahapon.

Tinanggap ni NCRPO Chief Police Major Gen. Guillermo Eleazar ang parangal kung saan pinangunahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang aktibidad.

Ang naturang parangal ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng NCRPO sa Police Service Metro Manila.

Bukod sa NCRPO ay binigyan rin ng parangal ang iba pang opisyal at miyembro ng PNP bilang pagbibigay-pugay sa kanilang nai-ambag sa kani-kanilang police units.