Magandang balita para sa mga motorista.
Nag-abiso na ng panibagong malakihang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang kumpanyang Phoenix Petroleum.
Epektibo mamayang 2:00 ng hapon ang P1.10 na rollback sa kada litro ng diesel at P0.50 naman sa kada litro ng gasolina.
Kasabay nito, nag-abiso na rin naman ang Caltex ng P1.10 na rollback sa kada litro ng diesel na epektibo naman sa Martes, Agosto 13.
Sa ngayon, inaasahan naman na mag-abiso rin ng roll back ang iba pang kumpanya ng langis.