NCRPO isinailalim na sa full alert status ang Metro Manila

0
48

Isinailalim na sa full alert status ang buong pwersa ng pulisya sa Metro Manila, isang linggo bago magbukas ang klase, sa Lunes, Hunyo 3.

Ito, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, kung saan aabot sa kabuuang 7,153 pulis ang ipakakalat sa Metro Manila.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Eleazar na tutukan nila ang pag-responde sa pekeng bomb threats na problema anya ng NCRPO tuwing magbubukas ang klase.

Samantala, sinabi rin naman ni Eleazar na nakikipag-ugnayan na ang NCRPO sa mga paaralan hinggil sa mga itatalagang PNP personnel.

—–